-->

Monday, April 17, 2017

Mga natural na pampaputi sa MAITIM na SINGIT, KILIKILI at LEEG


Advertisement
Kadalasan, nakakahiyang pag-usapan o magtanong lalo na kung ang topic ay tungkol sa pribadong parte ng katawan. Pero paano ka makakahanap ng lunas kung ganito ang sitwasyon? Kaya isinulat namin ito upang makatulong lalo na sa mga may problema sa kanilang intimate area, tulad ng singit.

Maraming kababaihan ang hindi makapagsuot ng swimwear o maiiksing damit dahil takot silang madiskubre ang tinatago nilang maitim na singit. Hindi ka nag-iisa. Sa katunayan, marami rin ang nakararanas nito.



Ang medical term sa ganitong kondistyon ay acanthosis nigricans, ayon sa American Academy of Dermatology -- at hindi lamang ito limitado sa singit, kundi sa iba't-ibang parte ng katawan tulad ng kili-kili at leeg, kung saan may tupi o tiklop ang ating balat.

PAALALA: Makabubuting ipacheckup ang kondisyon sa dermatologist upang malaman kung ito ba ay sanhi ng pagkakaroon ng diabetes o dahil sa katabaan, gland problems o iba pa.

Mga natural na pampaputi sa MAITIM na SINGIT, KILIKILI at LEEG


1. Kalamansi o lemon


  • Ipahid ang katas ng kalamansi o lemon sa maitim na parte ng katawan bago maligo
  • Ibabad ng 10-15 minutos
  • Banlawan ng tubig at sabon
  • Gawin 2-3 beses kada linggo
  • Huwag araw-arawin dahil ang acid ng kalamansi o lemon ay nakaka-dry ng balat

2. Orange juice + Turmeric powder

  • Paghaluin ang 2 kutsarang orange juice at isang kurot na turmeric powder
  • Ipahid sa maitim na balat
  • Ibabad ng 20 minutos
  • Banlawan

3. Yoghurt

  • Gamitin lamang ang yoghurt na walang flavoring
  • Imasahe ang yoghurt sa maitim na balat
  • Ibabad ng 15 minutos
  • Banlawan ng maligamgam na tubig
  • Gawin isang beses isang araw
  • Ulitin araw-araw hanggang makita ang pagbabago sa balat

4. Aloe Vera

  • Pahiran ng gel ng aloe vera ang balat 
  • Ibabad ng 20 minutos
  • Banlawan
Advertisement
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
 

Subscribe para sa latest health tips!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner