-->

Saturday, April 15, 2017

Home Remedy sa Alipunga (Athlete's Foot)


Advertisement
Ang athlete's foot o alipunga ay isang fungal infection na sanhi ng organismong Trichophyton. Karaniwang nakukuha ito sa mga pampublikong paliguan. Kaya ito tinawag na athlete's foot ay dahil iisa lamang ang shower room ng mga atleta kaya mabilis silang magkahawaan.


Ilan sa mga sintomas ng athlete's foot ay ang nanunuklap, nangangati, nagsusugat o parang nangangaliskis na paa. Dahil dito, madalas na mabaho ang paa ng taong meron nito

May mga over-the-counter na cream na nabibili na pwede ipahid sa alipunga. Ngunit mayroon namang alternatibo o simpleng athlete's foot home remedy na maaari mong gawin.

Preparasyon:

  • Maglagay ng sapat na tubig sa maliit na palanggana. Sakto lamang ang dami para mailubog ang mga paa 
  • Haluan ng 2-4 kutsarang suka (kahit anong brand ng suka)
  • Ibabad ang mga paa ng 15-30 minutos
  • Gawin 1-2 beses kada araw
  • Ulitin ang proseso 3 beses sa isang linggo

Ang suka ay may acidic property na nakatutulong upang epektibong mapatay ang fungus na nagiging sanhi ng athlete's foot.

Paano maiiwasan ang alipunga:

  • Ugaliing laging tuyo ang mga paa bago magmedyas at sapatos
  • Regular na labhan ang tuwalya, kumot at bedsheet
  • Palagiang maglinis ng katawan
Source: Kalusugan.Ph
Advertisement
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
 

Subscribe para sa latest health tips!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner