-->

Wednesday, August 2, 2017

7 Mabisang gamot sa sakit ng ulo (Home Remedies)


Advertisement
Mabisang gamot sa sakit ng ulo

Ang sakit ng ulo (headache) ay mahirap labanan. Kadalasan, dahil sa hormones, sa stress, sa kakulangan sa tulog, gutom at marami pang ibang sitwasyon ang nagti-trigger ng pananakit ng ulo.

Anumang klase ng headache iyan, ito ang mga pwede mong gawin bago pa man maging migraine at lumala:

7 Mabisang gamot sa sakit ng ulo (headache)


1. Apple Cider Vinegar Compress para sa sakit ng ulo
  • Maglagay ng 1/4 cup Apple Cider Vinegar sa isang malaking bowl
  • Lagyan ng mainit na tubig hanggang mangalahati ang bowl
  • Ipatong ang mahabang tuwalya sa ulo at pumuwesto sa harap ng bowl. Siguraduhing nasasakop ng tuwalya ang init na galing sa bowl. Huwag masyadong malapit ang mukha sa bowl upang hindi mapaso
  • Gawin ito ng 5-10 minutos o hanggang lumamig ang tubig

2. Luya para sa sakit ng ulo
  • Kumuha ng 3 hiwa ng luya (medium size) at pakuluan sa 2 cups ng tubig
  • Hayaang kumulo ng 30 minutos
  • Ibuhos ang sabaw sa baso at inumin

3. Peppermint oil para sa sakit ng ulo 
  • Lagyan ng peppermint oil ang sentido, likod ng batok at noo. 
  • Ang lamig nito ay nakatutulong upang ma-relax ang iyong pakiramdam

4. Mansanas para sa sakit ng ulo
  • Kung ikaw ay nagising sa matinding pananakit ng ulo, kumain lamang ng mansanas upang malunasan ang iyong karamdaman. Nakatutulong ang mansanas upang maibalik ang acid-alkaline balance sa katawan

5. Stretching para sa sakit ng ulo
  • Iikot-ikot ng dahan dahan ang ulo (clockwise at counter clockwise) upang marelax ang balikat at leeg.

6. Breathing exercise para sa sakit ng ulo
  • Magsanay ng breathing exercise upang marelax ang mga muscles at mawala ang tensyon na nagdudulot ng pananakit ng ulo

7. Almond para sa sakit ng ulo
  • Ang almond ay may salicin na popular na ingredient sa mga over-the-counter pain relievers

Advertisement
This Is The Newest Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
This Is The Newest Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
 

Subscribe para sa latest health tips!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner