-->

Thursday, July 21, 2016

10 Natural na Pang-alis Ng Kuntil (Skin Tag)


Advertisement
Ang kuntil o skin tag ay ang mga maliliit at malalambot na sobrang balat na tumutubo sa iba't-ibang parte ng katawan tulad ng leeg, talukap ng mata, braso, sa ilalim ng suso at kili-kili. Bagama't ito ay hindi cancerous, nakakairita itong makita lalo na kung unti-unti na silang dumarami.

Ang mga maaaring sanhi ng pagkakaroon ng kuntil ay obesity, diabetes, hormonal change lalo na sa buntis, human papilloma virus, sobrang paggamit ng steroid, namamana, o mga kamot o gasgas dulot ng pag-ahit, sa alahas o sa damit.

Anu-ano ba ang mga dapat gawin? Ito ang 10 natural na pang-alis ng kuntil (skin tag) na hindi na nangangailangan ng operasyon o mahal na gamutan.

10 Natural na Pang-alis Ng Kuntil (Skin Tag)


1. Katas ng sibuyas
  • Maghiwa ng sibuyas at ilagay sa isang garapon
  • Lagyan ng asin at hayaan ito overnight
  • Kunin ang katas nito kinaumagahan
  • Ilagay ang katas sa kuntil tuwing gabi sa loob ng 10 araw

2. Aloe vera
  • Kunin ang gel sa dahon ng aloe vera
  • Imasahe ito sa kuntil
  • Gawin araw-araw hanggang matanggal ang kuntil

3. Katas ng kalamansi o lemon
  • Magpiga ng kalamansi o lemon
  • Gamit ang bulak, lagyan ang kuntil
  • Gawin ito araw-araw hanggang matanggal ang kuntil

4. Nail polish
  • Pahiran ng nail polish ang kuntil at hayaang matuyo
  • Ulitin ng 2-3 beses araw-araw hanggang mawala ang kuntil

5. Duct tape
  • Lagyan ng maliit na duct tape ang kuntil 
  • Gawin ito sa loob ng 10-12 araw 
  • Papatayin nito ang pagtubo ng kuntil hanggang kusa itong sumama sa duct tape

6. Talian ang kuntil
  • Gamit ang dental floss o sinulid, talian ang kuntil 
  • Gupitin ang kuntil sa pamamagitan ng nail cutter
  • Siguraduhing malinis at sterile ang nail cutter upang hindi maimpeksiyon
  • Pagkatanggal sa skin tag, lagyan agad ng antibacterial cream o hugasan ng sabon at tubig

7. Pineapple juice
  • Pahiran ng pineapple juice ang kuntil at ibabad ng ilang minuto
  • Gawin ito 2-3 beses araw-araw sa loob ng 10 araw hanggang matanggal ang skin tag

8. Apple Cider Vinegar
  • Gamit ang bulak, pahiran ng apple cider vinegar ang skin tag
  • Gawin ito araw araw sa loob ng isang buwan hanggang mawala ang kuntil

9. Luya
  • Magdikdik ng luya
  • Ipahid ang katas sa skin tag
  • Gawin ito ng regular sa loob ng 2 linggo hanggang mawala ang skin tag

10. Bawang
  • Magdikdik ng bawang
  • Gamit ang bulak o kamay, dahan dahang ipahid ang katas sa skin tag
  • Gawin ito hanggang matanggal ang kuntil
  • Note: Huwag ideretsong ikuskos ang bawang sa balat upang hindi masunog ang balat

Advertisement
NEXT ARTICLE Next Post
This Is The Oldest Page
NEXT ARTICLE Next Post
This Is The Oldest Page
 

Subscribe para sa latest health tips!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner