Advertisement
IKMO, Piper Betle, Mamin, Buyo o Betle Vine. Ito ay maliit na herbal plant na may dahong pagka-bilugan at nagkukumpulang mga bulaklak.
Simpleng halaman man ito ngunit sobrang daming benepisyong pangkalusugan ang kaya nitong ibigay sa ating katawan. Ang dahon, ugat at buto nito ay magagamit sa iba't-ibang sakit. Ngunit karaniwang mas nagagamit bilang panggamot ay ang mga dahon nito.
Ang dahon ng ikmo ay pinaniniwalaang althelmintic, antibacterial, aphrodisiac, antifungal, expectorant, laxative, stimulant, at tonic.
Halamang Gamot: IKMO. Mga sakit na nagagamot nito
1. Sakit sa Tiyan (stomach ache)
- Option 1: Pahiran ng langis ang dahon ng ikmo. Ipahid sa bahagi ng tiyan na nananakit
- Option 2: Dikdikin ang sariwang dahon at itapal sa tiyan
- Option 3: Ilaga ang dahon at inumin ang sabaw nito
2. Sakit sa Ulo (headache)
- Dikdikin ang sariwang dahon at itapal sa sentido at noo
3. Sugat
- Dikdikin ang sariwang dahon at itapal sa sugat
4. Kabag
- Pahiran ng langis ang dahon ng ikmo. Ipahid sa bahagi ng tiyan na nananakit
5. Bad Breath
- Kumuha ng sariwang dahon ng ikmo at nguyain
6. Eczema
- Dikdikin ang sariwang dahon at itapal sa eczema
7. Diphtheria
- Kumuha ng sariwang dahon ng ikmo at dikdikin upang makuha ang langis nito. Imumog ang langis
8. Pananakit ng dibdib at Hirap sa paghinga
- Pahiran ng langis ang dahon ng ikmo. Ipahid sa dibdib
9. Pigsa
- Dikdikin ang sariwang dahon at itapal sa sugat
10. Ubo
- Painitin ang dahon ng ikmo at itapal sa dibdib
11. Asthma
- Painitin ang dahon ng ikmo at itapal sa dibdib
12. Constipation
- Painitin ang dahon ng ikmo at itapal sa tiyan o puson
Sources:
Useful Tropical Plants, KalusuganPH