-->

Wednesday, August 2, 2017

7 Halamang Gamot para sa Katarata


Advertisement
Ang katarata (cataract) ay isang pangkaraniwang sakit sa mata. Lahat ng tao, maging ano ang edad ay pwedeng magkaroon nito. Isa sa sintomas nito ay nanlalabong paningin o  nagkakaroon ng double vision.

Ang pagkakaroon ng regular na check up sa ophtalmologist ay nakatutulong upang malaman agad kung ikaw ay may katarata  at malunasan agad.

Kung ikaw ay walang pera para sa operasyon o pampagamot, maaari mong gamitin itong mga halamang gamot para sa katarata.

Halamang Gamot para sa Katarata

Halamang Gamot para sa Katarata 


1. Carrots para sa katarata
Ang mga carrots ay mayaman sa Vitamin A na mahalaga para sa ating mga mata. Ugaliing kumain ng carrots upang luminaw at bumuti ang paningin. Maaari ring uminom ng isang basong carrot juice sa umaga o kaya naman ay kumain ng hilaw na carrot upang maiwasan ang magkaroon ng katarata.

2. Bawang para sa katarata
Napakaraming makukuhang benepisyo sa bawang at isa na rito ang pagpapabuti ng paningin. Kumain ng 2-4 hilaw ng butil ng bawan tuwing umaga. Nakatutulong ito upang malinisan ang katawan at maayos ang paningin.

3. Anis para sa katarata
Ang anis o aniseeds ay mabisang gamot para sa katarata. Kumain ng 6 gramo ng anis dalawang beses araw-araw. Gawin ito sa loob ng dalawang linggo at mapapansin ang magandang resulta sa paningin.

4. Honey para sa katarata
Ginagamit ang honey sa Egypt na natural na gamot para sa katarata. Mayaman ito sa antioxidants na nakatutulong upang labanan ang sakit at impeksyon sa mata. Maaaring patakan ng honey ang mata. PAALALA: Magpakonsulta muna sa ophtalmologist bago gawin ang remedy na ito lalo na kung hindi sigurado.

5. Bulaklak ng Kalabasa para sa katarata
Katasin ang bulaklak ng kalabasa at inumin tuwing umaga.

6. Spinach para sa katarata
Ayon sa mga pag-aaral, ang spinach ay may kakayahang mapabagal ang pagbuo ng katarata sa mata. Ito ay mayaman sa antioxidants at beta-carotene na mabuti para sa kalusugan ng mata. Ugaliing kumain ng spinach. Maaari itong gawing salad o ihalo sa ulam.

7. Papaya para sa katarata
Regular na kumain ng papay dahil ito ay may kakayahang linisan ang mga protinang namuo sa loob ng mata na nagiging sanhi ng katarata.

PAALALA: Bago subukan ang mga ito, makabubuting magpakonsulta muna upang malaman kung hind ba ito makakaapekto sa iba mo pang medical condition.

Advertisement
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
 

Subscribe para sa latest health tips!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner