-->

Tuesday, July 26, 2016

10 Natural Na Pang-alis ng Kulugo (Warts)


Advertisement
Ang kulugo o warts ay maliit at magaspang na bukol na madalas tumutubo sa paa, kamay, mukha at iba pang parte ng katawan. Ito ay nakakahawa kapag nadikit ka sa mayroong kulugo o kaya naman ay paggamit ng mga gamit nila tulad ng sabon o tuwalya.


Kalimitan, ang kulugo ay tumatagal ng ilang buwan o kaya naman ay taon bago kusang mawala. Maaari rin itong bumalik sa balat.

HINDI totoong magkakaroon ng kulugo kapag naihian ng palaka. Ito ay matandang paniniwala na naipasa-pasa na lamang.


Iba't-ibang uri ng warts:

  • Common warts - Kadalasang tumutubo sa kamay. Ito ay magaspang, hugis bilugan at kulay gray na may pagka-brown

  • Plantar warts - Ito ay makikita sa talampakan, matigas at makapal ang itsura na may parang itim na batik. Sumasakit ito lalo na kapag naglalakad

  • Flat warts - Ito ay maaaring tumubo sa mukha, braso at binti. Ito ay maliit, flat ang itsura at kulay dilaw, brown o may pagka-pink

  • Filiform warts - Ito ay makikita sa mukha, kadalasan sa paligid ng bibig, ilong or baba. Kakulay lang ito ng balat ngunit mapapansin ang pagkakadikit-dikit nito

  • Periungual warts - Ito ay tumutubo sa ilalim o paligid ng daliri sa kamay at paa


Kung ikaw ay nagkaroon ng kulugo, huwag mag-panic. Ito ang 10 natural na pang-alis ng kulugo (warts) na makakatulong sa iyo.

1. Maligamgam na tubig

  • Ibabad ang warts sa maligamgam na tubig upang ito ay lumambot at mabilis gumaling. Lalabanan din nito ang impeksiyon at virus na dulot ng kondisyon
  • Maaari ring lagyan ng white vinegar o asin ang tubig upang mas maging epektibo

2. Bawang

May antibacterial, antifungal at antiviral properties
  • Magdikdik ng bawang 
  • Ilagay ang katas sa kulugo
  • Balutin ng malinis na tela
  • Hayaan ng 20 minutos bago banlawang maigi ng tubig
  • Gawin ito 2 beses araw-araw sa loob ng 1 linggo hanggang matanggal ang kulugo

3. Baking Soda

May antiseptic at anti-inflammatory properties
  • Paghaluin ang 1 kutsaritang white vinegar at baking soda hanggang maging paste ito
  • Itapal ang paste sa warts sa umaga at sa gabi 
  • Gawin ito hanggang kusang matanggal ang kulugo

4. Apple Cider Vinegar

Mayroong antiviral, antifungal at antibacterial properties
  • Paghaluin ang apple cider vinegar at tubig. Tantiyahin ang dami
  • Gamit ang bulak, lagyan ang warts
  • Balutin ng malinis na tela
  • Gawin ng mga ilang linggo. Mapapansing mangingitim ang kulugo hanggang unti-unti itong matanggal

5. Aloe Vera

May anti-inflammatory properties
  • Tanggalin ang gel sa loob ng dahon ng aloe vera
  • Ilagay ang gel sa warts gamit ang bulak
  • Balutin ng malinis na tela o tape upang masuportahan ang bulak
  • Gawin 2 beses sa isang araw sa loob ng 2 linggo

6. Kalamansi o Lemon Juice

  • Lagyan ng kalamansi o lemon juice ang warts
  • Balutin ito ng hiniwang sibuyas
  • Hayaan ng 30 minuto
  • Gawin 1 beses kada araw sa loob ng 2-3 linggo

7. Balat ng Hilaw na Saging

May antioxidant properties
  • Hiwain ang balat ng hilaw na saging
  • Itapal sa warts at suportahan ng tape upang hindi matanggal
  • Gawin ito bago matulog sa gabi upang mababad overnight
  • Ulitin ang proseso hanggang matanggal ang kulugo

8. Hilaw na Papaya

May enzyme na natural na nagtatanggal ng dead tissue
  • Hiwain ang balat ng papaya at kunin ang dagta nito
  • Ihalo ang dagta sa konting tubig
  • Ilagay ang mixture sa warts sa umaga at gabi
  • Gawin ito hanggang matanggal ang kulugo

9. Pinya

May natural acids at enzymes na papatay sa kulugo
  • Kuskusin o lagyan ng katas ng pinya ang warts 2-3 beses sa isang araw
  • Gawin ito hanggang matanggal ang warts

10. Carrots

  • Mag-grate ng carrots at lagyan ito ng olive oil upang maging paste
  • Ilagay ito sa warts at ibabad ng 30 minutos
  • Gawin ito 2 beses isang araw sa loob ng 2-3 linggo
Advertisement
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
 

Subscribe para sa latest health tips!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner