Advertisement
photos via WikiHow |
Sa sobrang dami nila, kayang-kaya nilang ubusin ang mga mahahalagang bagay sa ating tirahan tulad ng pagkain, damit at kahit mga upuan at lamesa.
Bagaman may mga spray o kemikal na lasong mabibili upang mapuksa ang mga langgam, masyadong delikado ito kung may mga kasamang bata at alagang hayop sa bahay.
Kaya ito ang 8 natural at ligtas na paraan upang mapuksa ang mga langgam na maaari mong subukan.
1. Puting Suka (o kahit anong klaseng suka)
- Paghaluin ang magkaparehong sukat ng suka at tubig
- Ilagay sa spray container o sa tabo
- I-spray/ibuhos sa bahay ng langgam. Pwede rin sa dinadaanan nila
2. Pulbos
- Ayaw ng mga langgam ang baby powder
- Mag-taktak ng pulbos sa daanan ng mga langgam, sa aparador, pinto, bintana, etc
3. Giniling na Kape
- Hindi nito pinapatay ang mga langgam. Aalis lang ang mga ito sa bahay nila
- Parang sa pulbos, itaktak ang coffee ground/giniling na kape (yung gamit na, para hindi sayang) sa bahay nila
4. Baking Soda + Powdered Sugar
- Paghaluin ang baking soda at powdered sugar/confectioner's sugar (yung ginagamit sa pagbake)
- Ibudbod ito sa daanan ang langgam
- Matalino ang langgam. Kaya nilang paghiwalayin ang asukal sa pinong baking soda kaya makabubuting pino rin ang asukal para mahirapan sila
- May acidic substance ang mga langgam kaya kapag nakain nila ang baking soda (na akala nila ay asukal), ito ay magrereact sa kanilang katawan na papatay sa kanila
5. Chalk
- Tulad ng sa pulbos, ayaw rin ng mga langgam ang chalk
6. Dish-washing soap
- Maglagay ng liquid dish-washing soap at tubig sa spray
- I-spray sa daanan ng langgam o sa bahay nila
7. Borax o Boric Acid
- Makakabili nito sa mga tindahang nagbebenta ng chemicals o naggagawa ng sabong panlaba
- Ihalo ang Borax/boric acid at powdered sugar (pino) at ilagay sa isang garapon malapit sa bahay ng langgam
- Parang sa Baking Soda ang epekto nito. Kukunin ng langgam ang akala nilang asukal, dadalhin sa bahay nila at kakainin hanggang malason sila.
8. Kalamansi o Lemon juice
- Ayaw ng mga langgam ang acid sa kalamansi/lemon dahil nagugulo nito ang tracking senses
- Ilagay ang kalamansi /lemon juice sa spray.
- Lagyan ng konting tubig
- I-spray o ibuhos sa bahay o daanan nila