Advertisement
Problema mo ba ang hair loss, paglagas o unti-unti pagkawala ng buhok? Member ka na ba ng BMW (Buhok Mo Wig) association at Shaggy (Shagilid lang ang buhok) group?
Maraming dahilan ang pagkawala ng buhok. Ilan na rito ang pag-edad, paninigarilyo, stress, kakulangan sa nutrisyon, hormonal imbalance, impeksyon sa anit, sobrang kemikal (pangkulay, pangkulot, etc), medical condition (autoimmune disease, thyroid disorder,polycystic ovary syndrome, iron deficiency anemia,etc), epekto ng gamot na iniinom, o namamana.
Normal lamang malagasan ng hanggang 100 strands ng buhok sa isang araw. Pero kung ito ay sobra na, kailangan mo ng gawan ito ng paraan bago pa man tuluyan ka ng makalbo. Kung naghahanap ka ng mga natural na lunas sa hair loss, ito ang aming tips:
6 Na Natural at Mabisang Gamot sa Hair Loss
1. Sibuyas
Mataas ang sulfur content na nakakapagpabuti ng sirkulasyon ng dugo sa hair follicles. Ginagamot din nito ang impeksiyon sa anit na nagiging sanhi ng hair loss.
- Maggayat ng sibuyas at salain ang katas nito
- Imasahe ang katas sa anit
- Hayaan ng 30 minutos
- Banlawan ng shampoo at tubig
2. Langis ng Niyog
Ang paghilot ng langis sa anit ay nakakapagpabuti ng daloy ng dugo sa hair follicles, kinokondisyon nito ang anit at pinapatibay ang buhok
- Imasahe ang langis ng niyog sa anit
- Gawin ito 1 beses isang linggo
3. Aloe Vera
Ito ay may natural enzymes na nakakatulong sa maayos na pagtubo ng buhok, pagbawas ng pangangati ng anit, pantanggal ng balakubak at pampakintab ng hibla.
- Imasahe ang gel ng aloe vera sa anit
- Hayaan ito ng 30 minutos
- Banlawan
- Gawin 3-4 beses sa isang linggo
- Gata ng Niyog
4. Gata ng Niyog
Mayaman sa protina at mahahalagang fats na nagtataguyod ng pagtubo ng buhok at iwas sa hair loss.
- Pakuluan ng 5 minutos ang ginayat na niyog sa tubig
- Salain at palamigin
- Ilagay ang gata sa buhok at anit at hayaan ng 20 minutos
- Hugasan ang buhok ng shampoo at tubig
5. Itlog
May sulphur, ahs, phosphorus, iodine, protein at zinc na nakatutulong sa pagtubo ng buhok
- Kunin ang egg white
- Haluan ito ng 1 kutsara ng langis ng niyog
- Batihin upang maging paste
- Ilagay sa anit
- Hayaan ng 20 minutos
- Banlawan ng shampoo at tubig
6. Bawang
Tulad ng sibuyas, mataas din ang sulphur content nito na nakatutulong sa pagpapatubo ng buhok.
- Magdikdik ng bawang
- Lagyan ng langis ng niyog
- Pakuluan ng 5 minuto
- Palamigin
- Imasahe sa anit at iwan ng 30 minuto
- Banlawang ng shampoo at tubig
- Gawin 2 beses sa isang linggo