Advertisement
Pimples o tigyawat. Ito ay mga maliliit na pamamaga sa balat. Kapag ang oil glands ay nagkaroon ng impeksyon dahil sa bakteria o nabarahan ang pores ng oily substances, magkakaroon ito ng nana sa loob.
Kadalasang nagkakaroon ng tigyawat sa mukha, leeg, likod at dibdib. Kahit sino ay maaaring magkaroon nito, lalo na ang mga teenager. At ang pinakamalala, umaatake sila kung kailan ayaw mo silang makita.
Ito ang mga natural at herbal remedy para sa PIMPLES na pwede mo gawin sa bahay. Isang paalala: Iba-iba ang ating skin type kaya maging maingat sa paggamit ng mga solusyon dahil may ilan sa mga ito ang nagiging dahilan ng pagkatuyo, pamumula at iritasyon sa katawan, lalo na kung sensitibo ang iyong balat.
Kadalasang nagkakaroon ng tigyawat sa mukha, leeg, likod at dibdib. Kahit sino ay maaaring magkaroon nito, lalo na ang mga teenager. At ang pinakamalala, umaatake sila kung kailan ayaw mo silang makita.
Ito ang mga natural at herbal remedy para sa PIMPLES na pwede mo gawin sa bahay. Isang paalala: Iba-iba ang ating skin type kaya maging maingat sa paggamit ng mga solusyon dahil may ilan sa mga ito ang nagiging dahilan ng pagkatuyo, pamumula at iritasyon sa katawan, lalo na kung sensitibo ang iyong balat.
1. Yelo
Ang yelo ay nakakabawas ng pamamaga at inilalabas nito ang excess oil at bakteria sa pimples- Ilagay ang maliit na yelo sa malinis na tela
- Ipatong sa pimples
- Gawin ng madalas hanggang mawala ang pimples
2. Puti ng Itlog
Ang amino acid at natural na content nito ay nakakapagtanggal ng pimples at nakakapag-ayos ng cells sa balat- Ihiwalay ang puti ng itlog sa pula
- Batihin at hayaan ng 3 minuto
- Ipahid ang mask sa pimple at hayaang matuyo
- Ulitin ng 4 na beses ang pagpahid
- Hayaang matuyo ng 20 minutos
- Banlawan ng tubig at lagyan ng moisturizer
3. Kalamansi
Ang acid nito ay epektibong nakakapatay ng bakteria- Gamit ang bulak, ipahid ang katas ng kalamansi sa pimple
- Hayaan ito ng overnight o isang oras bago maligo
- Kung nagmamadali, pwede na ang 10-20 minutes na pagbabad
- Paalala: Huwag gawin ito kung may sugat ang pimple
4. Baking Soda
Mayroong natural na sangkap na nakakapagpatuyo ng balat at nagtatanggal ng excess oil sa balat na nagiging dahilan ng pimples at blackheads- Maghilamos ng sabon at tubig
- Paghaluin ang 2 kutsarang baking soda at 2 kutsarang tubig
- Ilagay ang paste sa pimple
- Hayaan ng 15 minutos
- Paalala: 2 beses kada linggo lamang dapat gamitin ang baking soda sa mukha dahil maaapektuhan nito ang pH balance ng balat, isang dahilang upang lalong magkaroon ng pimples, kapag sumobra
5. Bawang
May sangkap na nakakapatay ng bakteria, nakakapagpabalik buhay sa skin cell at may antifungal properties na mabilis na pantanggal ng pimples- Dikdikin ang bawang at kunin ang katas nito
- Gamit ang bulak, ipahid ang katas sa pimple
- Paalala: Huwag direktang ikuskos ang dinikdik na bawang sa mukha dahil masusunog ang iyong balat
- Hayaan ng 5 minuto bago banlawan
6. Pipino
Natural na naglilinis ng balat at may cooling effect na nakakabawas sa iritasyon, pamumula at pamamaga- Hiwain ng manipis ang pipino
- Ipatong sa pimples
- Hayaan ng 15 minuto
- Gawin ng madalas hanggang matanggal ang pimple
7. Apple Cider Vinegar (PURE & UNFILTERED)
Natural na disinfectant at pumapatay sa bakteria na nagiging dahilan ng pimples- Maghilamos ng sabon at tubig
- Paghaluin ang 1/3 cup apple cider vinegar sa 1/3 cup na tubig
- Gamit ang bulak, ipahid ito sa pimple
- Hayaan overnight
8. Patatas
Mayroong natural na potassium, phosphorus, chloride, sulfur at antioxidant na nakakapagpagbawas ng pamamaga ng pimple- Maggayat ng patatas
- Ipahid ang katas nito sa mukha (paikot na pagpahid)
- Hayaan ng 15 minutos
- Banlawan
9. Toothpaste
Mayroong menthol, triclosan, hydrogen peroxide, baking soda, alcohol at essential oils na nakatutulong pantaggal ng pimples.- Maglagay ng kaunting-kaunting toothpaste sa pimple (yung sakto lamang sa size ng tigyawat)
- Hayaang overnight
- Hugasan kinabukasan
- Paalala: Huwag gamitin kung sensitibo ang balat