Advertisement
Ang rayuma sakit kung saan apektado ang kasu-kasuan. Kadalasang sintomas nito ay pananakit, pamamaga, pakiramdam na mainit o naninigas ang joints.
Minsan, kahit na nakainom ka na ng gamot, hindi pa rin nawawala ang pananakit na dulot ng rayuma. Kaya karamihan ay humahanap ng mabisang halamang gamot sa rayuma.
May mga herbal na may natural na anti-inflammatory properties na nakatutulong upang mabawasan ang pananakit at pamamaga ng iyong kondisyon.
PAALALA: Bago subukan ang mga ito, makabubuting magpakonsulta muna upang malaman kung hind ba ito makakaapekto sa iba mo pang medical condition.
1. Luyang Dilaw (turmeric) gamot sa rayuma
Ang luyang dilaw o turmeric ay may curcumin, isang active ingredient na may anti-arthritic at anti-inflammatory properties na mas mabisa kaysa mga non-steroidal anti-inflammatory drugs.
Option 1
2. Bawang gamot sa rayuma
Ang bawang ay may malakas na anti-inflammatory properties na mabisang panggamot sa rayuma.

Mga Halamang Gamot sa Rayuma
1. Luyang Dilaw (turmeric) gamot sa rayuma
Ang luyang dilaw o turmeric ay may curcumin, isang active ingredient na may anti-arthritic at anti-inflammatory properties na mas mabisa kaysa mga non-steroidal anti-inflammatory drugs.
Option 1
- Magpakulo ng isang litrong tubig
- Lagyan ng 1 kutsarang turmeric powder at hayaang kumulo pa ng 10 minuto
- Palamigin at inumin 1-2 beses araw-araw
- Maglagay ng turmeric powder sa iyong niluluto upang makakuha ng dagdag na benepisyo
PAALALA:
Iwasan ang masyadong maraming pag-inom o pagkain ng luyang dilaw dahil ito ay maaaring makanipis ng dugo at makasira sa tiyan
2. Bawang gamot sa rayuma
Ang bawang ay may malakas na anti-inflammatory properties na mabisang panggamot sa rayuma.
- Kumain ng 1-2 hilaw na garlic cloves araw-araw
3. Luya gamot sa rayuma
Ang luya ay may gingerol, isang natural na anti-inflammatory content na nakatutulong upang mabawasan ang pamamaga at pananakit na sintomas ng rayuma.- Pahiran ng ginger oil ang parteng may rayuma
- Hayaan itong nakabilad sa araw ng 5 hanggang 10 minuto upang uminit
- Gawin ng madalas
- Maari ring kumain ng sariwang luya o isama ito sa niluluto araw-araw
4. Pansit-pansitan sa rayuma
- Ilaga ang dahon at sanga ng pansit-pansitan
- Inumin ang pinaglagaan nito
- Maaari mo ring gawing salad. Hugasang mabuti ang dahon at sanga at lagyan ng sibuyas, suka at iba pang gulay
5. Tanglad sa rayuma
Option 1
- Hugasang maigi ang dahon ng tanglad
- Dikdikin at lagyan ng langis ng niyog o baby oil
- Itapal sa nananakit na kasu-kasuan
Option 2
- Maaari mo ring pakuluan ang tanglad at inumin ang sabaw
6. Aloe Vera sa rayuma
Ang aloe vera ay may healing properties na mabilis makapagpagaling sa anumang pananakit.
- Kunin ang gel sa loog ng dahon ng aloe vera
- Ipahid sa nananakit na kasu-kasuan.