-->

Tuesday, January 24, 2017

HOME REMEDIES sa UBO at SIPON sa BATA


Advertisement
Ang sakit ng bata ay kadalasang umaabot ng hanggang 10 araw. Hindi man nito mabawasan ang haba ng pagkakasakit, maaari mo itong gawin upang mabawasan ang sama ng pakiramdam ng iyong anak.

via Google stock photos

1. PAHINGA ( lahat ng edad)

Kailangan ng lakas ng katawan upang labanan ang infection. Kapag ang bata ay nakakapahinga ng maayos, ang kanyang katawan ay kusang gumagaling. Iwasan ding mai-stress ang bata.

Hindi naman kinakailangan na palaging nakahiga. Makabubuti rin ang ilabas siya upang makasagap ng sariwang hangin

2.STEAM (lahat ng edad)

Maglagay ng mainit na tubig sa malaking bowl. (Pwede ring lagyan ng saline solution). Alalayan ang bata upang malanghap ang steam. Paluluwangin nito ang paghinga ng bata.
Pwede ring maglagay ng humidifier sa loob ng kwarto

Maaari rin siyang bigyan ng warm bath, pero iwasan lamang kung may lagnat

3. SALINE DROPS/SPRAY at BULB SYRINGE (lahat ng edad)

Makatutulong ito sa mga batang hindi pa marunong suminga. Makakabili nito sa pharmacies ng walang prescription.

Sa mga nagbe-breastfeed, gawin ito 15 mins bago magpadede

Paano gamitin:

*Tip your child's head back or lay him on his back with a rolled-up towel supporting his head.
*Squeeze two or three drops of saline solution into each nostril to thin and loosen the mucus. *Try to keep his head still afterward for about 30 seconds (or less for a baby).
*Squeeze the bulb of the syringe, then gently insert the rubber tip into his nostril. *Some doctors recommend also gently closing off the other nostril with your finger to get better suction from the bulb syringe.
*Slowly release the bulb to collect mucus and saline solution.
*Remove the syringe and squeeze the bulb to expel the mucus into a tissue.
*Wipe the syringe and repeat with the other nostril.
*Repeat if necessary.

PAALALA:
*Huwag i-suction ang ilong ng bata ng sobra-sobra sa isang araw dahil maiirita nito ang lining ng ilong.
*Huwag gumamit ng saline drops ng lagpas 4 na sunud-sunod na araw dahil matutuyo ang ilong ng bata at lalo lamang lalala ang kondisyon.
*Iwasan ang nasal decongestant spray sa mga bata. Ayon sa mga doktor sa Amerika, hindi ito epektibo at mas lalo lamang magpapalala ng kondisyon ng bata

4. UMINOM NG MARAMING FLUIDS (lahat ng edad)

Ito ay nakatutulong upang maiwasang madehydrate ang anak.

*Para sa mga batang wala pang 6 months, mag-stick lamang sa breastfeed o formula milk. Huwag painumin ng tubig hangga't hindi nirerekomenda ng doktor. Ang gatas ay may sapat na tubig na kailangan ng katawan ng mga baby. Ang sobrang tubig ay maaaring makasama sa kanila.
*Para sa mga batang 1 taon-pababa, ipagpatuloy lamang ang pagpapadede
*Para sa mga malalaking bata, ugaliing painumin ng tubig, juice o fruit shakes/smoothies

5. MALIGAMGAM NA SABAW o SOPAS (6 months pataas)

Nakatutulong ito upang maibsan ang congestion.

6. ITAAS ANG ULO SA PAGTULOG (12 months pataas)

Maglagay ng dagdag na unan o towel sa ilalim ng ulo ng bata sa pagtulog. Mabuti ito upang lumuwag ang paghinga ng bata.


7. HONEY (1 year old pataas)

Magpiga ng sapat ng kalamansi sa baso na may maligamgam na tubig. Lagyan ito ng kalahati o isang kutsaritang honey. Ang kalamansi ay Vit C at ang honey ay nakababawas sa pamamaga ng lalamunan

PAALALA:
Huwag bigyan ng honey ang batang wala pang 1 taon. Ayon sa pag-aaral, may mga rare cases na ang baby ay makararanas ng infant botulism-isang delikadong sakit

8. MAGMUMOG NG TUBIG NA MAY ASIN (4 years old pataas)

Lagyan ng kalahating kutsaritang asin ang isang basong maligamam na tubig. Ipamumog ito sa anak. Makatutulong ito upang maibsan ang sore throat at mabawasan ang plema sa lalamunan. Ipagawa ito 4 beses sa isang araw
Advertisement
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
 

Subscribe para sa latest health tips!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner