-->

Monday, February 6, 2017

Mga SINTOMAS at NATURAL na LUNAS sa BINAT sa BAGONG PANGANAK


Advertisement
Binat. Iba-iba ang paliwanag ng bawat tao sa term na ito, lalo na kung ikaw ay bagong panganak. Ayon kay Dr. Jen Cruz, isang medical expert sa U.S. ito ay post-partum recovery kung saan ang katawan ng bagong panganak ay bumabawi pa ng lakas. Ito ay tumatagal ng 6 na linggo at ang ina ay nakararanas ng ilang pagbabago sa kaniyang katawan habang bumabalik sa dati nitong kalagayan.

Ayon naman sa iba, ito ay relapse o extreme body fatigue after childbirth. Habang ang iba naman  na hindi naniniwala ay sinasabing ito ay old wives tale na napasa-pasa na lamang hanggang sa mga sumunod na henerasyon.

Kadalasan sa mga bagong panganak, nakakarinig sila ng payo na huwag maligo ng ilang araw pagkatapos manganak upang hind mabinat. Samantalang ang mga obstetritian naman ay nirerekomenda na maligo na upang malinisan na rin pati ang sugat sa pwerta at maiwasan ang impeksyon.

BINAT sa BAGONG PANGANAK
via Google Stock Photos


Mga paniniwala tungkol sa BINAT:

  • Bawal maligo ng 3-7 days pagkatapos manganak (punas lang muna ang gawin)
  • Bawal maglaba, maglinis o gumawa ng mabibigat na gawain
  • Bawal magbuhat ng mabigat
  • Hindi pwede magluto
  • Bawal magbasa o magsulat
  • Bawal uminom ng softdrinks

Sintomas ng BINAT: (ayon sa mga nakaranas nito)

  • "Masakit ulo paramg pinipiga tas parng nghihiwalay yung anit sa ulo mo ...tas my times na giginawin ka yung ginaw sa loob ng katawan ah .tas yung mga nerve s ibat ibang part lalo n sa mata parang pumipitikpitik kusang gumagalaw." - Ces
  • "I had a high fever, chills and headache 3 months after giving birth" - Melot
  • "3weeks na after I gave birth pero bigla nakakaramdam na ako ng mtinding pananakit ng ulo na parang may migraine attack, tuloy tuloy pa din po akong dinudugo, masakit lahat ng joints ko." - Des
  • "Nung nakaramdam ako ng binat noon. Nanginginig katawan ko. Tapos nasusuka and hilo ganun . Ewan ko lng sa iba. Iba iba cguro kc nararamdaman pag nabibinat." - Sally

Mga NATURAL na lunas sa BINAT (ayon sa mga nakaranas nito)

1. Tuob (Improvised Steam Spa)
  • "I boiled a pot water with 'dukot' rice, covered my self with a thick old comforter we have and stayed there as long as I can hold. I was extra careful not to get burnt because the space under the comforter is tight with you and the hot steaming pot. I was all sweaty from the steam when I came out, and the funny thing is, I felt really good afterwards." - Mommy Reyna of Mommy and Three
2. Pag-ehersisyo, pag-inom ng maraming tubig, pagkonsumo ng pagkaing mayaman sa fiber - Dr. Jen Cruz

3. Pahinga
  • Magpahinga ng maayos upang maka-recover ang katawan sa panganganak
4. "If you can get a massage and more rest, this will help. Also look for local herbs that you can bathe with warm water." - BabyMama

5. Magpahilot o pumunta sa manghihilot at magpatapal ng dahon, magpausok at magpamasahe upang maibalik ang matres


Ikaw, naniniwala o nakaranas ka na bang mabinat pagkatapos manganak? Ano ang opinyon o masasabi mo sa kondisyon na ito?


PAALALA:
Ang mga impormasyon sa article na ito ay base sa mga suhestiyon at paniniwala ng mga netizens na nakaranas ng BINAT ng bagong panganak. Anumang gamot o lunas na nabanggit ay maaaring epektibo sa kanila o nangangailangan lamang ng matagal na paggamit. Makabubuti pa ring magpakonsulta sa doktor upang makasiguro sa karamdaman.

Advertisement
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
 

Subscribe para sa latest health tips!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner