-->

Tuesday, January 10, 2017

Kumain ng LUYA araw-araw sa loob ng 1 BUWAN at ito ang mga MAGAGANDANG EPEKTO sa iyong katawan


Advertisement
Sanay na tayong gamitin ang luya o ginger sa pagluluto. Pero alam nyo bang matagal na itong ginagamit sa panggagamot sa ibang bansa dahil sa mga natural na healing properties nito?

via Google Stock Photos
Ang madalas na napapakinabangan sa luya ay ang ugat nito. Puwede itong kainin ng hilaw, durog o pinatuyo. Subukan mong kumain ng luya araw-araw sa loob ng 1 buwan at ito ang mga magagandang epekto na mangyayari sa iyong katawan:


1, Nakapagbigay ginhawa sa pananakit ng tiyan

Ang luya ay may phenolic compounds na nakatutulong upang mapawi ang pagkairita sa gastrointestinal tract. Inaayos nito ang pag-function ng bile upang maayos na dumaloy ang pagkain sa GI tract.

2. Lunas sa pagkahilo

Uminom ng ginger tea o kumain ng hilaw na luya upang maalis ang pagkahilo at pakiramdam na nasusuka. Ayon sa pag-aaral kasama na ang mga buntis, natuklasan na ang pagkain ng 1.1 hanggang 1.5 grams ng luya ay nakatulong upang mabawasan ang pagkahilo

3. Nakababawas ng pananakit ng kalamnan 

Nagkaroon ng pag-aaral sa University of Georgia at natuklasan na ang pagkain ng luya araw-araw ay nakababawas sa muscle pain ng hanggang 25%

4. Lunas sa menstrual cramps

Ang pagkain ng luya ay nakatutulong upang mabawasan ang pananakit ng puson o menstrual cramps tuwing may buwanang daloy

5. Lunas sa osteoarthritis

Isa sa problemang nararamdaman sa ating kalusugan ay ang unti-unting paghina ng joints sa katawan. Dahil dito nakakaramdam tayo ng pananakit at hirap na ikilos ang joints. Ayon sa pag-aaral sa 247 na pasyente na may osteoarthritis sa tuhod, karamihan ng uminom ng katas ng luya ay umayos ang pakiramdam at hindi na nangailangan pa ng maraming gamot para sa karamdaman.

6. Nakatutulong upang bumaba ang blood sugar at makaiwas sa sakit sa puso

Sa isang pag-aaral sa mga pasyenteng may type 2 diabetes, natuklasan ng mga espesyalista na ang pagkain ng 2 grams ng ginger powder araw-araw ay nakatulong upang bumaba ang blood sugar ng hanggang 10% sa loob lamang ng 12 linggo. Ang mataas na blood sugar ay ang pangunahing dahilang ng sakit sa puso. Ang epekto ng pagkain ng luya ay makatutulong upang mabawasan ang level nito.


7. Pampababa ng kolesterol

Ayon sa mga researcher, nakatutulong ang luya sa pagbaba ng cholesterol level upang makaiwas sa sakit sa puso. Nagkaroon ng pag-aaral sa 85 kataong may mataas na kolesterol sa loob ng 45 na araw at natuklasan na ang pagkain ng 3 grams na ginger powder kada araw ay mabisang nakatutulong sa pagbaba ng kolesterol

8. Pang-iwas sa cancer

May natural na content ang ginger na tinatawag na 6-gingerol na natuklasang alternatibong panlunas sa iba't-ibang klase ng cancer.

9. Nakatutulong upang mapabuti ang brain function

Karaniwan sa mga nagkakaedad ang pagkakaroon ng Alzheimer's disease at iba pang age-related cognitive impairments. Sa isang pag-aaral sa mga babaeng may edad na 60, natuklasang bumuti ang memorya at brain function  nil sa pagkain ng luya

Advertisement
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
 

Subscribe para sa latest health tips!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner