Advertisement
Panay ba ang ihi mo sa gabi na pati pagtulog mo ay sobrang apektado na? Wala pang 5 minutos ikaw nakahiga sa kama pero kailangan mo ng ulit bumangon at magbanyo dahil sa pakiramdam an punung-puno ulit ang iyong pantog.
Baka mayroon kang overactive bladder. Ito ang kadalasang nangyayari kapag nagkakaroon ng involuntary contraction ang mga muscles na nakapalibot sa iyong bladder.
Iba't -iba ang rason bakit nagkakaroon ng overactive bladder. Maaaring mayroon kang diabetes dahil inilalabas ng iyong katawan ang hindi nagamit na glucose. Pwede ring ikaw ay buntis dahil tumataas ang progesterone levels ng mga nagdadalang tao na nagiging sanhi ng madalas na pag-ihi. O kaya naman mayroon kang UTI. Pakonti-konti ang iyong inilalabas na ihi kaya napapadalas ang iyong pagbanyo.
Ayon kay Dr. Jimmy Galvez-Tan, ito ang mga pwede mong gawin upang malunasan ang madalas na pag-ihi lalo na sa gabi.
photos via realhealthvision.com/urologyhealth.org/curejoy.com |
Baka mayroon kang overactive bladder. Ito ang kadalasang nangyayari kapag nagkakaroon ng involuntary contraction ang mga muscles na nakapalibot sa iyong bladder.
Iba't -iba ang rason bakit nagkakaroon ng overactive bladder. Maaaring mayroon kang diabetes dahil inilalabas ng iyong katawan ang hindi nagamit na glucose. Pwede ring ikaw ay buntis dahil tumataas ang progesterone levels ng mga nagdadalang tao na nagiging sanhi ng madalas na pag-ihi. O kaya naman mayroon kang UTI. Pakonti-konti ang iyong inilalabas na ihi kaya napapadalas ang iyong pagbanyo.
Mga LUNAS SA IHI NG IHI
Ayon kay Dr. Jimmy Galvez-Tan, ito ang mga pwede mong gawin upang malunasan ang madalas na pag-ihi lalo na sa gabi.
- Uminom lamang ng maraming tubig o kahit anong likido simula 6AM hanggang 6PM ng gabi. Pagdating ng 7PM, humigop na lamang ng konting tubig kung nauuhaw.
- Kumuha ng 7 dahon ng sambong, 7 dahon ng pandan at 7 dahon ng tanglad. Maglagay ng 7 basong tubig sa kaldero. Pakuluan ng 15 minutos sa mahinang apoy. Palamigin. Hatiin sa 3 portion. Inumin sa umaga, tanghali at hapon. Huwag uminom sa gabi.
- Magpa-URINALYSIS upang malaman kung may sakit na dapat ng gamutin.