Advertisement
Ang an-an (tinea versicolor) o kilala rin sa tawag na white spot ay fungal infection sa balat. Ito ay kadalasang lumalabas kapag ang yeast na natural na makikita sa katawan natin ay dumarami. Kapag ang yeast ay kumalat at dumami, nagiging skin disease ito na nag-iiwan ng patse-patseng puting kulay sa mukha, dibdib, braso, likod at sa ibang parte ng katawan.
Kadalasang nagkakaroon ng an-an kapag sobrang oily ang iyong balat, mainit sa iyong tinutuluyan/lugar na sobra kang pinapawisan o kaya naman ay sadyang mahina ang iyong immune system.
Nakakahawa ba ang an-an?
Hindi. Kabaliktaran sa paniniwala ng karamihan, hindi nakakahawa ang an-an. Hindi ito naipapasa sa pagkakadikit ng taong apektado sa walang an-an.Mga natural an lunas sa an-an (tinea versicolor)
1. APPLE CIDER VINEGAR o KAHIT ANONG SUKA
Ito ay matapang na panlinis ng katawan.- Lagyan ng half bowl ng suka ang tubig panligo.
- Pwede ring paghaluin ang parehong sukat ng suka at tubig at pahiran ang an-an gamit ang bulak.
- Pagkatapos ay pahiran ng antifungal cream o lotion.
- Gawin ito araw-araw.
2. ALOE VERA
Mayroong iba't-ibang medicinal at skin benefits. Ito ay natural na antimicrobial at proteksiyon laban sa pagkalat ng bakteria at fungus sa katawan.- Kunin ang gel sa dahon
- Pahiran ang an-an 2-3 beses sa isang araw
3. LUYANG DILAW o Turmeric powder
Panlaban sa impeksiyon at sugat- Maghalo ng 3-4 kutsarang dinikdik na luyang dilaw o turmeric powder sa tubig.
- Pagkatapos maligo, ibuhos ito sa parte ng katawan na may an-an
4. BAWANG
- Ugaliing kumain ng 2 cloves ng bawang araw-araw at inuman ng maligamgam na tubig. Gawin ito ng walang laman ang tiyan
- Pwede ring magdikdik ng bawang. Gamit ang bulak, ipahid ang katas nito sa an-an. Ibabad ng 30 minutos bago maligo
- (PAALALA: Huwag direktang ikuskos ang bawang sa katawan dahil masusunog ang iyong balat
5. Panatilihing tuyo ang balat at palaging gumamit ng antifungal powder o cream
6. Magsuot ng damit na yari sa cotton. Huwag masisikip upang hindi magpawis
7. Painitan tuwing umaga (7-8am) ang balat at hayaang mahanginan.
- Gawin ito 30 minutos araw-araw.