Advertisement
"Lampayatot!" Sawa ka na ba'ng marinig ang ganitong panunukso? Kain ka naman ng kain pero hindi ka tumataba?
Natural na Pampataba ng Katawan (at hindi magiging overweight!)
1. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa nutrientsDahil ikaw ay underweight, normal na isipin na kailangang kumain ng kumain upang madagdagan ang timbang. Tama man ito, ang maaari naming isuggest ay huwag kainin kung anuman ang mga nakikita sa lamesa. Piliin ang mga pagkaing mayaman sa nutrients tulad ng pasta, gulay, prutas, whole-grain na tinapay, mani, at mga pagkaing mayroong lean protein at dairy products.
2. Iwasan ang mga fat-free foods
Matutong umayaw sa mga pagkaing may label na "fat-free, "diet" at "low calories". Hindi ito makatutulong sa iyong pagpapataba.
3. Magkaroon ng eating schedule at matutong sundin ito
Ang sabi ni Nancy Farrell, isang dietitian, kung gusto mong tumaba sa malusog na paraan, dapat kumakain ka ng at least 6 times kada araw at gawin ito kada 3 oras. "A snack is 100 to 200 calories, and a meal starts at 500 calories." Idinagdag rin niya na iwasan ang mga snacks na mabilis kang mabubusog. "If you're having a smoothie, for example, make it small, like 8 ounces. Not 12 to 16 ounces like we see at smoothie shops," ayon sa kanya.
4. Mag-ehersisyo
Hindi dahil payat ka ay hindi mo na kailangan ng ehersisyo. Kailangan ito ng katawan mo upang lumakas at upang magbuild ka ng muscles. Nakatutulong rin ito upang ma-stimulate ang iyong appetite.
5. Uminom ng shakes, smoothies kaysa softdrinks
Ang mga diet soda at kape ay walang masyadong calorie content at sobrang baba ng nutritional value. Mas makabubuting uminom ng mga smoothies o shakes galing sa mga fresh na prutas o gulay.
6. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina
Ang protina ay nakatutulong upang magbuild ng muscles. Makatutulong ito upang maiwasan ang build up ng excess fat sa katawan na hindi mo kailangan.
7. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa calories
Piliin ang mga tinapay na mataas ang calorie content. Mabuti rin ang salmon dahil ito ay hindi lamang mayaman sa calories kundi mayroon ding omega-3 fatty acids. Subukan rin ang yogurt, oatmeal cookies.
8. Kumain ng energy-dense foods
- Nuts: Almonds, walnuts, macadamia nuts, peanuts, etc.
- Dried fruit: Raisins, dates, prunes
- High-fat dairy: Whole milk, full-fat yogurt, cheese, cream
- Fats and Oils: Extra virgin olive oil and avocado oil
- Grains: Whole grains like oats and brown rice
- Meat: Chicken, beef, pork, lamb, etc. Choose fattier cuts
- Tubers: Potatoes, sweet potatoes and yams
- Dark chocolate, avocados, peanut butter, coconut milk, granola, trail mixes
9. Huwag uminom ng tubig bago kumain
Mabilis kang mabubusog nang walang masyadong nakakaing calories na kailangan upang tumaba.
10. Matulog ng sapat
Ang pagtulog ng sapat ay nakatutulong sa pagbuo ng muscles at maipapahinga nito ang iyong buong katawan.