Advertisement
Ang diabetes ay isa sa mga karamdamang nararanasan ng mga Pinoy. Ito ay seryosong kondisyong medikal na nangangailangan ng atensyon at patuloy na pag-aalaga.
May mga halamang gamot para sa diabetes na nakatutulong sa metabolismo ng asukal sa dugo. Ang mga ito ay epektibo habang nasa ilalim ng pangangalaga ng doktor. Ngunit, bago pa man ito gamitin ay makabubuting isangguni muna sa inyong doktor kung tama ba at naaayon sa inyong medikasyon ang gagawing herbal remedy.
Mga Halamang Gamot Para Sa Diabetes
1. Bawang para sa diabetes
- Ayon sa nakaugalian, ang bawang ay inirerekomenda sa mga may diabetes dahil ito ay nakatutulong upang mapababa ang cholesterol level at high blood pressure. Ayon sa pag-aaral noong 2006, ang hilaw na bawang ay nakakabawas sa mataas a blood sugar level, kasama na rin ang panganib ng pagkakaroon ng atherosclerosis. Sinuportahan din ito ng isang pagsusuri noong 2014 na sinasabing ang bawang ay maaring makatulong sa pagbaba ng blood sugar level.
- Ang sibuyas ay may flavanoid quercetin na tumutulong upang mapababa ang low-density lipoprotein (LDL) o mas kilala bilang "BAD" cholesterol sa mga may matatabang pangangatawan at may panganib na magkaroon ng sakit sa puso.
- Ang dahon ng basil ay mayaman sa antioxidants at essential oils na gumagawa ng eugenol, methyl eugenol at caryophyllene. Ang mga ito ay nakatutulong sa pancreatic beta cells o yung mga cells na nag-iimbak at naglalabas ng insulin upang maging maayos ang paggana nito.
4. Ampalaya para sa diabetes
- Ang ampalaya ay may active ingredients na Polypeptide-P, Momordicin at Charantin na may kakayahang pababain ang blood sugar level.
5. Okra para sa diabetes
- Ang gulay na ito ay may natural na anti-diabetic properties. Ayon sa Diabeties.co.uk, may mag pag-susuring ginanap na nakapagpatunay na ang okra ay may superior insoluble fibre na pinaniniwalaang nag-aayos ng blood glucose level sa pamamagitan ng pagdahan-dahang pag-absorb ng asukal mula sa intestinal tract.
Basahin: Paano iprepara ang OKRA WATER para sa DIABETES, asthma, mataas na kolesterol at sakit sa kidney
6. Cinnamon para sa diabetes
- Ang cinnamon ay nagpapabuti ng sensitivity ng insulin at pinapababa nito nito ang glucose level sa dugo. Ayon sa The Health Site, sapat na ang pagkin ng 1/2 kutsarita ng cinnamon bawat araw.
- Maglaga ng dahon at balat ng kahoy ng banaba. Ang banaba ay may taglay na tannin, corsolic acid at agerstroemin - mga kemikal na nakatutulong upang pababain ang sugar glucose level.
- Ilaga lamang ang dahon ng sambong at gawing tsaa. Inumin ito tuwing umaga kapalit ng kape. Ang sambong ay mainam na pampabagal sa pag-absorb ng ating katawan sa carbohydrates.
- Ang ginseng ay nakapagpapababa ng blood glucose ayon sa pag-aaral. Iba't-iba ang mga uri ng ginseng tulad na lamang ng Korean ginseng, Siberian ginseng, Japanese ginseng at American ginseng.
- Ang dahon ng mangga ay ay may caffeic acid, mangiferin, gallic acid, flavanoids, volatile compounds, atbp na nakatutulong upang makontrol ang level ng blood sugar, kasama na rin ang cholesterol.
PAALALA: Ang mga halamang gamot para sa diabetes na nabanggit ay maaaring nakatulong sa iba o kailangan lamang ng mas matagal na gamutan. FOLLOW AT YOUR OWN RISK. Kung hindi sigurado sa mga remedies nabanggit ay makabubuting magpakonsulta muna sa doktor.