-->

Saturday, June 10, 2017

Nakakataba ba ang madalas na pag-inom ng MALAMIG na Tubig?


Advertisement
Nakakataba ba ang madalas na pag-inom ng MALAMIG na tubig?

Sagot: 

Ang tubig ay WALANG calories. Kaya inumin man ito ng malamig ay hindi lalaki ang iyong tiyan.

Ang paniniwalang nakakataba ang pag-inom ng malamig na tubig ay food myth na nakasanayan at naipasa pasa na lamang. Sa katunayan, ang pag-inom ng tubig (malamig o mainit man) ay nakakatulong para mabawasan ang inyong timbang.


Ayon sa isang Fitness Expert, ang katawan ng tao ay mainit (98.6 degrees Fahrenheit (37 degrees Celsius)). Kapag uminom ka ng malamig na tubig, ang ginagawa ng katawan natin ay itinataas ito sa temperature na katulad ng sa ating katawan.

Sa bawat isang litro ng tubig, ang katawan natin ay nagbu-burn ng 30 calories. Kung iinom ka ng 2 litro ng tubig, ikaw ay mababawasan ng 60 calories kada isang araw.

Tanong: 

Ito po ba ay nakakalaki ng tiyan? Kasi po kapag kumain ka ng mamantika at uminom ng malamig na tubig, namumuo ang mamantikang pagkain sa loob ng tiyan o kaya naman didikit ito sa bituka na nakaka-cause ng mga sakit o di kaya ay kanser.

Sagot: 

HINDI RIN PO. Noong 2010 may kumalat po sa internet na chain mail na naglalaman na:
"It is nice to have a cup of cold drink after a meal. However, the cold water will solidify the oily stuff that you have just consumed. It will slow down the digestion. Once this “sludge” reacted with the acid, it will break down and be absorbed by the intestine faster than the solid food. It will line the intestine. Very soon, this will turn into fats and lead to cancer. It is best to drink hot soup or warm water after a meal.
A cardiologist says if everyone who gets this mail sends it to 10 people, you can be sure that we’ll save at least one life."

Ang tawag po sa ganitong pinasa pasang balita ay internet phenomena.
Ang balitang ito ay kinontra ng isang fitness expert. Ayon kay Davey Wavey, isang certified fitness trainer, ang reaksiyon ng malamig na tubig sa pagkain sa loob ng tiyan ay HINDI nagreresulta sa SOLIDIFICATION. Katulad ng paliwanang namin sa unang tanong, ang katawan ng tao ay sadyang mainit. At anumang mga pagkakaiba sa temperatura (tulad ng malamig na tubig) ay mabilis na naitataas ng ating katawan sa ating normal body temperature. Bukod dito, ang pagkain ay hindi na solido kapag dumating na sa ating intestine. Ito ay normal na epekto ng pagproseso ng ating tiyan sa pagdigest.

Kung tungkol naman sa pagtigas ng oil at pagconvert nito sa taba, ayon kay Mr. Wavey, ang "OILS are FATS". At hindi ito dumidikit sa bituka o nagiging dahilan ng kanser.

Gayunpaman, kanyang ipinaliwanag na ang mas mataas na level ng body fat at obesity ay nakakadagdag sa mataas na risk ng pagkakaroon ng kanser.

source: Davey Wavey Fitness
Advertisement
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
 

Subscribe para sa latest health tips!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner