-->

Wednesday, April 12, 2017

Mga epekto ng 'CLOTHESPIN METHOD' sa buong katawan ayon sa reflexologist


Advertisement
photo via NeoPress
Dahil sa ating lifestyle o trabaho, madalas makaramdam tayo ng mga  pananakit ng katawan, pagkapagod at iba pa. Kahit na ito ay normal, may mga method na pwede kang gawin upang gumaan ang iyong pakiramdam.

Ayon kay Helen Chin Lui, isang reflexologist, ang CLOTHESPIN METHOD ay malaki ang magagawa sa ating kalusugan. Karaniwang ginagawa ito sa tenga dahil mayroon itong complete reflex map ng buong katawan na nagtataglay ng nerve endings at connectors sa ating central nervous system.

Mayroong ANIM na parte ng tenga ang dapat ma-focus upang matutukan ang mga iba't-ibang parte ng katawan.

1. Ang ITAAS na bahagi ng tenga

  • Madalas nakakaramdam ng tension buildup sa likod at balikat. Ang itaas na bahagi ng tenga ay direktang nakakonekta sa likod at mga balikat. Kung lalagyan ng diin o pressure sa parteng ito sa loob ng 2 minuto araw-araw, mapapansin mong unti-unti gagaan ang iyong pakiramdam.

2. Ang ITAAS NA KURBADA ng tenga

  • Ang bahaging ito ay konektado sa ating organs. Kung ikaw ay nakakaramdam ng pananakit sa tiyan, subukan mong lagyan ng sipit sa damit ang parteng ito ng tenga upang guminhawa ang iyong pakiramdam
  • PAALALA: Kung hindi nawawala ang pananakit at alam mong may serious health condition ka, makabubuting magpakonsulta sa doktor

3. Ang UPPER-MIDDLE part ng tenga

  • Ito naman ay konektado sa iyong kasukasuan o joints. Kung ikaw ay nakakaramdam ng pananakit o paninigas ng kasukasuan, subukan mong sipitan ang parteng ito ng iyong tenga

4. Ang LOWER-MIDDLE part ng tenga

  • Ito ay konektado sa lalamunan at sinus. Kung barado ang iyong ilong dahil sa sipon, subukan mong sipitan ang parteng ito ng tenga upang maginhawang makatulog

5. Ang ITAAS NG EARLOBE

  • Kung ikaw ay may problema sa panunaw (digestive problems), lagyan mo ng pressure itong parte na ito upang guminhawa ang iyong pakiramdam

6. Ang EARLOBE

  • Konektado ito sa ulo at puso natin. Kapag nilagyan ng pressure ang parteng ito, makatutulong ito upang mawala ang pananakit ng ulo (headaches) at makatutulong upang maging malusog ang iyong puso.

source: Healing life is natural

Advertisement
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
 

Subscribe para sa latest health tips!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner