Wala pang isang oras pagkatapos mong kumain pero gutom ka na naman. Makakita ka lang ng masarap, laway na laway ka na at gusto mo agad kumain ulit. Wala ka namang alaga sa tiyan pero sobrang bilis mo makaramdam ng 'hunger pangs'. Eto ang iba't-ibang
dahilan bakit pakiramdam mo ay palagi kang GUTOM.
 |
photo via thesoshalnetwork.com |
1. Mas marami ang nakakain mong may refined carbs
Madalas ka ba kumain ng pizza, matatamis na pagkain, white rice, pasta, etc? Ang refined carbs ay mabilis matunaw sa katawan at itinataas nito ang iyong blood sugar sabay biglang babagsak. Ang low glucose level ang nagti-trigger sa iyong hunger hormones.
2. Nauuhaw ka lamang.
Minsan, yung pakiramdam mo na nagugutom ka, kahit kakakain mo pa lamang ay nami-mix up ng pakiramdam ng pagkauhaw. Itry mo muna uminom ng tubig sa ganitong pagkakataon
3. Sobrang stress
May pagkakataon na ang stress ay nakakawalang ganang kumain. Pero kapag ang stress ay tumagal, ang iyong katawan ay magrerelease ng hormone na ang tawag ay CORTISOL. Ito ay nagti-trigger ng hunger hormones.
4. Kulang sa tulog.
5. Masyado ka mabilis kumain
6. Marami kang nakikitang pagkain sa social media
Nakakaranas ka ng "VISUAL HUNGER". Kaya kahit hindi ka gutom, ang iyong katawan ay nagsesend ng signal sa iyong utak na gusto mong kumain
7. Nag-skip ka sa pagkain
Lalo lang nitong pinapalala ang iyong pagkagutom
8. Mabilis ang iyong metabolism
9. Mahilig ka uminom ng inuming may alcohol content
10. Ang iyong pagkain ay mababa sa protein
11. Palagi ka nagwo-workout
Ang iyong katawan ay natural na maghahanap ng calories sa ganitong pagkakataon
12. BORED ka
Dahil wala ka magawa, maiisip mo na lamang kumain kahit hindi ka gutom
13. Baka mayroon kang hyperthyroidism
Ito ay nag-stimulate sa iyong metabolism upang makaramdam ng parating pagkagutom