-->

Wednesday, March 22, 2017

Sintomas at mga Natural na Lunas sa MAMASO (Impetigo)


Advertisement
Ang mamaso o impetigo ay isang malubhang nakakahawang skin infection na kadalasang nakikita sa mukha, leeg, braso at mga binti ng mga bata. Sa mga sanggol naman, ito ay kadalasang nakikita sa paligid ng pigi o pinagsusuotan ng diaper.


photos via Serious Eats, DiyProjects.Tips, mga-sakit.com



May 2 bakterya na nagiging sanhi ng impetigo. Ang isa ay streptococcus pyogenes at ang isa naman ay staphylococcus aureus. Maaari

Gaano katagal bago gumaling ang mamaso

  • Ito ay karaniwang natatanggal o nawawala sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo

Mga sintomas ng mamaso

  • Makating pantal o rashes
  • Paltos na may tubig
  • Namamagong kuliti
  • Maliliit na sugat o rashes na mabilis pumutok
  • Mga natuyong dilaw na nana sa pumutok na rashes

Paano nagkakaron ng mamaso

  • Ikaw ay nadikit sa taong mayroong mamaso o impetigo
  • May sugat ang iyong balat
  • Nakagat ka ng insekto o hayop
  • Nahawakan mo ang mga bagay na nagamit ng pasyenteng may impetigo

Mga Natural na lunas sa mamaso

1. Antibacterial soap + Tubig

  • Linisin ng maraming beses sa isang araw ang mamaso gamit ang tubig at antibacterial soap. HUWAG KUSKUSIN UPANG HINDI LUMALA. Patuyuin ng maigi ang sugat at pahiran ng antibacterial ointment

2. Dahon ng bayabas

  • Ang bayabas ay natural na anti-inflammatory at antibacterial na mabilis nakagagaling ng sugat. Gawin ito 2-3 beses kada araw

3. Suka + Tubig

  • Hugasan ang sugat ng tubig na may suka o apple cider vinegar. Ang acid nito ay mabilis nakakapatay ng bakterya. Gawin ito 2-3 beses kada araw

4. Tea Tree Oil

  • Lagyan ng ilang patak ng tea tree oil ang 1 kutsarang olive oil. Haluin at ipahid maigi sa impetigo. Hayaan ng 20-30 minutos bago banlawan ng maligamgam na tubig. Gawin 2-3 beses kada araw. Ang tea tree oil ay may malakas na antimicrobial at anti-inflammatory properties na mabilis na nakakapatay sa impeksiyon

5. Bawang

  • Dahil ang bawang ay mabisang panlaban sa impeksyon, nagagamit din ito upang maalis ng kati at sakit sa balat. I-grate o pinuhin ang bawang hanggang makuha ang katas. Gamit ang bulak, dahan-dahang ipahid ang katas sa impetigo. HUWAG DIREKTANG IPAHID ANG BAWANG DAHIL MASUSUNOG ANG IYONG BALAT

Paano maiiwasan ang impetigo

  • Iwasang maki-share ng tuwalya ng iba
  • Huwag munang papasukin sa eskwela ang pasyente upang hindi makahawa
  • Panatilihing maiksi ang kuko
  • Labahan ang mga gamit ng pasyente gamit ang mainit na tubig

Advertisement
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
 

Subscribe para sa latest health tips!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner