Advertisement
Summer na. Uso na naman ang bulutong o chickenpox. Kilala sa medical term na varicella, ang chickenpox ay isang infection na kadalasang nakukuha ng mga batang nasa edad 5 hanggang 10 years old.
Kadalasan, ang bulutong ay nakukuha sa direct skin-to-skin contact o kaya naman ay sa pagbahing o pag-ubo ng taong nagkaroon na nito. Aabot ng 12-14 days bago lumabas ang mga sintomas nito. May pagkakataon ring sa loob lamang ng 10 pagkatapos mong ma-expose sa maysakit ay makita na rin ang sintomas sa iyo.
![]() |
compiled photos via wikiHow / Natural Remedy Ideas / Pinterest |
Kadalasan, ang bulutong ay nakukuha sa direct skin-to-skin contact o kaya naman ay sa pagbahing o pag-ubo ng taong nagkaroon na nito. Aabot ng 12-14 days bago lumabas ang mga sintomas nito. May pagkakataon ring sa loob lamang ng 10 pagkatapos mong ma-expose sa maysakit ay makita na rin ang sintomas sa iyo.
Sintomas ng Bulutong (chickenpox)
- Sore throat
- Panghihina
- Lagnat
- Makating rashes sa dibdib (pagkalipas ng 24 oras) at kakalat sa kamay, binti at ulo (pagkalipas ng 10 araw)
- Ang rashes ay lumalaki at nagkakaron ng tubig sa loob
Mga Natural na Lunas o mga dapat gawin kapag may Bulutong
- Huwag kamutin upang hindi magsugat, maimpeksiyon o magpeklat
- Lagyan ng gloves ang bata upang hindi makamot sa gabi habang natutulog
- Gupitin ang mga kuko
- Kung nangangati ang bulutong:
- Haluan ng baking soda o kaya naman ay purong oatmeal (hindi luto) ang tubig pampaligo
- Pahiran ng calamine lotion ang mga rashes
- Kumain ng mga pagkaing masabaw kung ikaw ay mayroong blisters sa loob ng bibig
- Pwede ring uminom ng antihistamine na gamot. NOTE: Siguraduhing ipakonsulta muna sa doktor ang anak bago painumin nito
- Iiwas sa mataong lugar ang pasyenteng may bulutong upang hindi makahawa
- Pagsuotin lamang ng maluluwag at cotton na damit ang pasyente