Advertisement
Ang buni o ringworm ay isang fungal infection na kumakain sa balat ng tao. Ito ay maaaring makita sa iba't-ibang parte ng katawan. Maaari rin nitong maapektuhan hindi lamang tao, kundi pati na mga hayop.
Ang buni ay nag-uumpisa sa simpleng pagkati ng balat at posibleng kumalat sa iba pang parte ng katawan at sa ibang tao lalo na kung iisa lamang ang sabon at tuwalya na gamit ninyo.
Kadalasan, ang paggamot sa buni ay umaabot ng 2-4 na linggo. Kaya dapat lamang maging matiyaga upang hindi na ito lumala at kumalat.
Compiled via Google images/stock photos |
Kadalasan, ang paggamot sa buni ay umaabot ng 2-4 na linggo. Kaya dapat lamang maging matiyaga upang hindi na ito lumala at kumalat.
Sintomas ng Buni
- Pangangati ng balat
- Mamula-mula na pabilog na patse na mukhang singsing
Mga Natural na Lunas sa Buni
1. Bawang - May antifungal properties na epektibong nakakatanggal ng buni
- Kumuha ng 1 piraso ng bawang, balatan at dikdikin
- Kunin ang katas at ipahid sa buni
- Gawin 2 beses sa isang araw
- Paalala: Huwag direktang ikuskos ang bawang sa balat dahil may posibilidad masunog ang iyong balat
2. Dahon ng akapulko - kilalang gamot sa impeksiyon sanhi ng fungus
Akapulko plant (c) project Noah |
- Kumuha ng dahon ng akapulko, dikdikin
- Kunin ang katas at ipahid sa buni
- Gawin ng ilang beses sa isang araw
3. Iba pang pwedeng gawin
- Huwag makipag-share ng sabon at tuwalya sa ibang tao
- Huwag hayaang laging basa ang parte ng balat na may buni
- Ugaliing magpalit ng damit
Mayroon ring nabibiling over-the-counter antifungal lotion at sabon para sa buni. Pero makabubuting magpakonsulta muna sa doktor upang malaman ang dapat gawin lalo na kung hindi sigurado sa mga remedies na nabanggit.