-->

Monday, October 3, 2016

Mga Natural Na Lunas sa High Blood Pressure


Advertisement
Ang normal na blood pressure ay 120 over 80 at hindi lalampas sa 140 over 90. Kapag ang iyong blood pressure ay napapansin mong palaging lumalampas ng 140 over 90, ikaw ay mayroon ng high blood.

Ayon kay Dr. Willie Ong, dalawa ang paraan upang masolusyunan ang high blood. Una ay ang pagbabago ng lifestyle at ang pangalawa ay ang pag-inom ng gamot. Dagdag pa niya na kapag ang blood pressure ay lumampas sa normal at wala namang nararamdamang kakaiba sa katawan, maaaring makuha pa ito sa pamamagitan ng lifestyle change. Ngunit kung ikaw ay lumampas na sa 160 over 100 at may nararamdaman ka ng hindi maganda, dapat ng uminom ng gamot para sa high blood.

Ito ang 8 na paraan upang masolusyunan ang high blood pressure:

1. Magbawas ng timbang

Kapag ikaw ay sobra sa timbay, mas malaki ang posibilidad na tumaas ang iyong blood pressure. Ayon kay Dr. Ong, kung ang iyong timbang ay bababa ng 10 pounds, ang iyong blood pressure ay bababa rin ng 10 points.

2. Umiwas sa maaalat

Kung ikaw ay mahilig sa mga sawsawang maaalat tulad ng patis at toyo, sa mga instant noodles, junk foods, tuyo at daing, kailangan mo na itong itigil o bawasan.

3. Matulog ng sapat

Kailangan ng katawan ng 7-8 oras na pahinga.

4. Mag-ehersisyo

Okay na ang 30 minutes hanggang 1 oras na ehersisyo ng 3 beses kada isang linggo. Siguraduhin lamang na ang gagawing exercise ay naaayon sa edad

5. Iwasang ma-stress o palaging magalit

Ito ay nakakapagdulot ng mataas na blood pressure

6. Limitahan ang gawain

Huwag pipilitin ang katawang magtrabaho ng sobra-sobra dahil ito ay puwedeng maging sanhi ng high blood

7. Huwag magbibilad sa initan

Kapag summer o mainit ang panahon, ugaliing uminom ng tubig at umiwas sa maiinit na lugar upang hindi magdulot ng high blood

8. Uminom ng gamot

Uulitin namin, kapag hindi na normal ang blood pressure, magpacheckup at magpareseta ng maintenance na gamot para sa high blood. Huwag basta-basta bibili o iinom ng walang rekomendasyon galing sa iyong doktor. 

Dagdag ni Dr. Ong na HINDI gamot sa high blood ang pagkain ng bawang o pag-inom ng pineapple juice. "Masustansiya ang mga ito pero hindi ito sapat para bumaba ang iyong presyon."
Advertisement
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
NEXT ARTICLE Next Post
PREVIOUS ARTICLE Previous Post
 

Subscribe para sa latest health tips!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner