Advertisement
Ang hemorrhoids o almoranas ay ang pamamaga ng veins sa paligid ng anal opening o anal canal. Kadalasang masakit ito na nagiging dahilan ng pagkairita at pagkabalisa ng pasyente.
Ang isa sa sintomas ng almoranas ay pagdurugo at pangangati ng puwetan habang dumudumi. Karaniwan itong nararanasan ng mga nagbubuntis, mayroong chronic constipation at pagtanda.
Mayroong mga over-the-counter na gamot na maaaring mabili mabawasan ang pamamaga ng almoranas pero hindi natin alam ang side effects nito sa ating katawan. Maaari mo ring subukan itong 9 na natural na lunas sa almoranas.
photos via WikiHow |
Mayroong mga over-the-counter na gamot na maaaring mabili mabawasan ang pamamaga ng almoranas pero hindi natin alam ang side effects nito sa ating katawan. Maaari mo ring subukan itong 9 na natural na lunas sa almoranas.
1. Ice pack
Mababawasan nito ang pamamaga at pananakit- Maglagay ng yelo sa tela
- Idampi sa almoranas ng ilang minuto
- Gawin ng madalas araw-araw
2. Langis ng Niyog
- Ipahid sa almoranas
3. Vitamin E oil
- Ipahid sa almoras
4. Maligamgam ng tubig
- Maglagay ng maligamgam na tubig sa batya o palanggana
- Umupo sa tubig upang mababad ang almoranas
- Gawin ito ng 15-20 minutos ng madalas araw-araw
- Punasan ng wet towel upang hindi mag-dry ang almoranas
5. Aloe Vera
Mayroong anti-inflammatory properties na nakatutulong upang mapagaling ng mabilis ang pamamaga ng almoranas.- Kunin ang gel sa loob ng dahon ng aloe vera
- Ipahid ang gel sa namamagang veins
6. Lemon o Kalamansi Juice
Mayroong antioxidant properties na nakatutulong upang mapabilis ang paggaling ng almoranas.- Ipahid ang katas ng kalamansi o lemon sa affected area
- Maaari ring itimpla ang juice sa honey at luya at inumin ng madalas upang makuha ang health benefits nito
7. Olive Oil
Mayroong anti-inflammatory properties. Dinadagdagan din nito ang elasticity ng blood vessels upang hindi ka mahirapan sa pagdumi.
- Maglagay ng saktong sangkap ng olive oil sa pagkain. Tantiyahin.
- Gawin ng madalas upang mapabuti ang pag-function ng paglabas ng dumi sa katawan
8. Dahon ng bayabas
Mayroong anti-inflammatory properties na mabilis na nakakapagpagaling sa sugat.
- Magpakulo ng dahon ng bayabas
- Palamigin ng kaunti hanggang maging maligamgam
- Ilagay sa maliit na batya
- Umupo upang mababad ang almoranas
- Hayaang nakababad hanggang lumamig ang panghugas
- Gawin madalas araw-araw
9. HUWAG gumamit ng tissue
Kapag dudumi, huwag gagamit ng tissue upang hindi magasgas at lumala ang almoranas. Ang gamitin ay wet tissue na walang alcohol o pabango
10. Ugaliing uminom ng tubig
11. Ugaliing mag-ehersisyo
12. Ugaliing kumain ng pagkaing mayaman sa fiber
Paalala: Ang mga home remedies na ito ay hindi pamalit sa medical advice. Makabubuting magpakonsulta sa doktor bago subukan lalo na kung hindi sigurado sa gagawing lunas.